Kasangga
Ang Republic Act
8485 o ang Animal Welfare Act of 1988 ay isa lamang sa mga batas na
nangangalaga sa karapatan ng mga hayop. Ito rin ang unang batas na
komprehensibong nagtakda sa tama at makataong pangangalaga ng mga mamamayan sa
lahat ng hayop sa Pilipinas, na nilagdaan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos
taong 1988. Napakaloob sa bataas na ito na dapat mabigyan ang lahat ng hayop ng
wastong pangangalaga at maaaring maparusahan ang sinumang mapatunayang lumabag dito.
Sa panahon natin
ngayon makikita mo sa paligid mo o mababalitaan sa telebisyon o radyo ang mga
taong nang- aabuso sa mga hayop. Napakasakit isipin na may mga ganitong klaseng
tao na hindi maganda ang maltrato sa mga hayop. Ngunit sa kabila nito, nakasisiyang
isipin na meron parin ilang tao na inaalagaan ang mga hayop at pinapahalagahan
ang mga karapatan nito.
Ang mga hayop ay
dapat inaalagaan at minamahal. Hindi makatarungan para sa kanila ang
mapagmalupitan. Hindi hamak na wala silang kakayanan upang ipagtanggol ang
sarili nila. Kaya sana'y wala nang mapagmalupit na mga tao ngayon. Iyan ang
sabi ni Reinalyn Aragon, isa sa mga taong nagpapahalaga sa mga hayop.
Sa lahat ng mga
hayop. Ang aso ang kadalasang pinagmamalupitan ng ibang tao. Mayroong
isinasabit sa sampayan, sinisipitan at ibinibilad sa araw at karamihan ay
pinapatay at ginagawang pulutan. Itinuturing pa namang “man’s bestfriend” ang
aso pero walangawa kung pahirapan ang mga ito. Yung iba
ay pinagkakakitaan ang mga aso sa tinatawag nilang “dogfights” na kung saan
pinagpupustahan ng malaking pera kung sino ang mananalo.
Ang Republic Act
No. 10631 “an act amending certain sections of Republic Act no. 8485 o the
Animal Welfare Act of 1988” naman ay isinabatas taong 2013 na nilagdaan ni
dating Pangulong Benigno S. Aquino. Ito ay batas upang paigtingin ang
kasalukuyang batas na umiiral kaugnay ng Animal Welfare. Napakaloob dito ang
mas mataas na piyansa o parusa kapag napatunayan lumabag sa batas na ito.
Itinaas ng batas na ito ang multa sa paglabag sa batas; mula sa dating 1000
hanggang 5000 pesos ay ginawang 50,000 hanggang 100,000 pesos.
Inihiwalay din
nito ang mga parusa at idinagdag bilang paglabag sa batas ang sinumang
mapatunayang pinabayaan ang hayop na nasa kanyang pangangalaga.
Ilan lamang yan
sa madaming batas na nangangalaga at nagpoprotekta sa karapatan ng mga hayop.
Meron ding mga organisasyon na nangangalaga sa karapatan ng mga hayop gaya na
lamang ng Philippine Animal Welfare Society o PAWS. Isang organisasyon na
pinapahalagahan ang karapatan ng mga hayop.
Ang mga hayop
kahit saan mang parte ng mundo mapa-himpapawid man, sa karagatan o sa lupa,
sila ay mahalaga. Ang mga hayop ay naunang ginawa ng panginoon dito sa mundo
kaysa sa mga tao kaya dapat lamang silangalagaan at mahalin. May karapatan ang
mga hayop na tratuhin ng tama at maayos dahil kahit hayop man sila meron pa rin
silang damdamin at karapatan tulad ng tao. Ating tandaan na tayo ay ginawa ng
Diyos na mas mataas sa lahat ng bagay kaya responsibilidad nating alagaan sila.
No comments:
Post a Comment